Aabot sa 195 billion pesos na pondo ang inihirit ng Department of Health (DOH) sa kongreso para sa susunod na taon.
Ayon sa National Expenditure Program, mataas ito ng 8 billion pesos kumpara sa 187.84 billion pesos budget ngayong 2022.
Sakop nito ang mga pondo para sa Office of the Secretary, National Nutrition Council at Philippine National Aids Council.
Samantala, nakapaloob din sa panukalang budget ang pagpapagawa at pagpapaunlad ng mga ospital, tulong-medikal sa mahihirap na Pilipino, mga gamot at bakuna para sa mga government health care facilities.