Tinatayang 1 bilyong pisong halaga ng liquid shabu ang nakumpiska sa isang hinihinalang shabu laboratory sa Angeles City Pampanga.
Nakuha ang liquid shabu at iba pang kagamitan sa paggawa ng shabu sa isang bahay sa loob ng Villa Dolores Subdivision sa Angeles City.
Gayunman, bigo ang raiding team na maabutan at madakip ang mga nagpapatakbo sa laboratoryo na hinihinalang mga Taiwanese nationals.
Ang raid ay isinagawa ng PNP Anti-Illegal Drugs Group at Taiwanese Police.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)