Aabot sa P1B ng equipment ang ibinigay na donasyon ng China sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa Department of National Defense (DND), inisyal na batch pa lamang ito na dumating sa bansa nitong Enero 16.
Naglalaman ito ng ilang rescue at relief equipment, drone sytem, detectors, water purification vehicles, ambulansiya, sasakyan ng bumbero at x-ray machines.
Habang mayroon din itong Explosive Ordinance Disposal (EOD) robots at iba pang kagamitan.
Sa susunod na buwan magaganap ang pormal ang turn-over ng mga kagamitan sa DND at AFP.—sa panulat ni Abby Malanday