Hindi sapat ang mahigit isang P1B ‘loan assistance’ para sa mga magsasakang apektado ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, kung hahati hatiin ang nasabing loan assistance sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa mahigit 2M magsasaka sa buong bansa lalabas na P500 lamang ang maaaring i-loan ng isang magsasaka.
Bukod ditto, sinabi ni Estavillo na maliit ang P10B RCEF kumpara sa mga subsidiya ng gobyerno ng Thailand at Vietnam sa kani-kanilang mga magsasaka.