Aabot sa P1 billion ang maaari umanong mawala sa annual revenues ng pamahalaan dahil sa pagpapatupad ng isang taong moratorium sa land amortization at interest payments sa mga benepisyaryo ng comprehensive agrarian reform program.
Ito ang inamin ni Agrarian Reform Undersecretary Marilyn Barua-Yap sa kabila ng nasa 655,000 na benepisyaryong makikinabang sa Executive Order 4 ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Barua-Yap, pinagbatayan nila sa nasabing bilang ang datos mula sa Land Bank of the Philippines at Department of Finance.
Gayunman, maliit lamang anya ang magiging epekto nito sa pamahalaan, lalo’t malaking tulong naman ito sa mga magsasaka.
Batay sa datos, ang nasabing halaga ay katumbas lamang ng .03% ng annual revenues.