Isinulong ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagbibigay ng P1,000 emergency cash assistance ang lahat ng middle income earners sa bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Salceda na March 19 pa niya inirekomenda sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang universal basic income approach na ito at March 25 niya aniya ipinadala ang lihan hinggil dito sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang pagtaya, inihayag ni Salceda na mangangailangan ng humigit kumulang P200-bilyon para sa hakbanging ito.
Ibinatay niya aniya ang rekomendasyon sa kaniyang pag-aaral hinggil sa COVID-19 subsidy ng Amerika.
Una nang ipinatupad ang emergency subsidy program para sa mga low income families na apektado ng COVID-19 pandemic kung saan ang 18-milyong pamilyang ito ay tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan.