Mapapasakamay ng mga guro sa pampublikong paaralan ang 1,000 pisong insentibo.
Tiniyak ito ng Department of Education bilang pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula September 5 hanggang October 5.
Binigyang diin ni DepEd Spokesman Michael Poa na mahalagang papel ang ginagampanan ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag aaral.
Tiniyak ni Poa na hindi sila mapapagod pakinggan ang mga hinaing ng mga ito bagamat hindi aniya mabibigyan ng agarang solusyon ang kanilang mga concerns.