Naglaan ang gobyerno ng 49.8 billion pesos para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC).
Ito ay ayon sa Department of Budget and Management (DBM), kasunod ng pagpapatupad ng republic act no. 11916 na layong doblehin ang monthly pension ng mga mahihirap na senior citizen o gawing isang P1,000 mula sa dating P500 lamang.
Kaugnay nito, sinabi ni budget secretary amenah pangandaman, na kasama ang SPISC sa national expenditure program para sa taong 2025.
Inaasahang sa susunod na taon ay mabebenispisyuhan ng programa ang mahigit apat na milyong indigent senior citizens.