Arestado ang apat katao matapos marekober sa mga ito ang mahigit dalawang milyong pisong halaga ng shabu.
Kinilala ang mga suspek na sina Rechelle Habab, Julius Obias, Dianne Di at Myka Obias.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos nakumpiska mula sa apat ang kabuuang P2.04-M na halaga ng crystal meth at mga drug paraphernalia.
Sa ngayon ay nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. —sa panulat ni Mara Valle