Nasabat ng Bureau of Customs o BOC ang mahigit dalawang (2) milyong pisong halaga ng misdeklaradong kargamento na naglalaman ng mga ukay-ukay sa Manila International Container Port.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña galing Hong Kong ang nasabing kargamento na naka-consigned sa kumpanyang Proline Logistics Philippines Incorporated.
Aniya, idineklara ang freight container nito na naglalaman ng mga personal at gamit pangbahay gayunman nang isalang aniya ito sa scanning ay nakitaan ng mga kadu-dudang laman.
Isasalang naman seizure and forfeiture proceedings ang nasabing kargamento.
#BalitangCustoms The 40-footer shipment of used clothes consigned to Proline Logistics Phils. Inc. will undergo seizure and forfeiture proceedings for violation of Customs laws, rules, and regulations. pic.twitter.com/UlTKV0iReY
— Bureau of Customs PH (@CustomsPH) April 11, 2018
—-