Naglaan ang gobyerno ng P2.2-bilyong subsidy para sa mahigit dalawampu’t walong libong (28,000) jeepney sa ilalim ng PUV o public utility vehicle modernization program.
Ayon kay LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board Board Member Aileen Lizada, inaprubahan ng Department of Budget and Management at Department of Finance ang subsidy para sa kabuuang 28,347 public utility jeepneys sa buong bansa sa 2018.
Sinabi ni Lizada na halos wala na silang ilalabas na pera sa equity nila.
Sa taong ito, magkakaloob ang pamahalaan ng subsidy sa 250 pampasaherong dyip sa tatlong (3) pilot areas: Senate-Philippine International Conference Center area; Taguig-Pateros; at Pateros-Fort Bonifacio.
By Meann Tanbio
P2.2-B para sa PUV modernization ilalaan ng gobyerno was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882