Umabot na sa dalawa punto dalawang milyong piso ang halaga ng nasirang pananim sa Zamboanga City dahil sa sunod-sunod na mga pag-ulan.
Ayon kay Carmencita Sanches, City Agriculturist Office Chief ng probinsya, ipinaabot niya ang ulat sa City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMO).
Sa nasabing halaga, nasa 28.90 ektarya ng pananim ang nasira sa farmlands sa Vitali District partikular na sa Vitali at Sibulao.
Nasa anim na pung magsasaka ang apektado ng pagkasira.
Nitong Abril a-singko, nakataas ang orange rainfall warning sa Zamboanga City dahil sa Low Pressure Area (LPA), na nakakaapekto rin sa Davao De Oro at Davao Oriental. – sa panulat ni Abby Malanday