Nasamsam ng mga otoridad ang P2.3 million na halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga sa lalawigan ng Negros.
Batay sa ulat unang nasabat ang P1.8 million na halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation sa Bacolod City.
Maliban naman sa P315,000 na halaga ng sampung (10) sachet ng hinihinalang shabu, arestado rin ang limang (5) lalaki sa ikinasang operasyon sa Silay City, Negros Occidental.
Nakuhana naman sa isang lalake sa Dumaguete sa Negros Oriental ang P170,000 na halaga ng hinihinalang shabu.
Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga naaresto.