Isinampa na sa Sandiganbayan ang 2.4 million peso graft case kay North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza.
Three counts ang naging paglabag ni Taliño-Mendoza sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sa record ng Ombudsman, magugunitang inaprubahan ang gubernadora ng 2.4 million pesos para pambayad sa 49,526.72 liters na fuel na ginamit sa isang road grader at apat na dump truck na ginamit naman sa dalawang araw na road rehabilitation project.
Wala umanong public bidding na ginawa ang lokal na pamahalaan ng North Cotabato at si Taliño-Mendoza ang nakipag-transaksyon sa isang gas station na pag-aari mismo ng kanyang ina.
Matatandaang nakitaan ng sapat na batayan ng Ombudsman para kasuhan si Mendoza.
Samantala, tiwala naman si North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza na mapapatunayan niyang inosente siya sa mga akusasyon ng Ombudsman kaugnay sa umano’y fuel scam.
Ayon kay Atty. Vincent Paul Montejo, abogado ni Mendoza, ang gobernador ay hindi miyembro ng bids and awards committee kaya’t hindi ito ang pumili ng gas station na magus-supply ng gasolina ng probinsya na nagkakahalaga ng P2. 4 million pesos.
Binigyang diin ni Montejo na dumaan sa bidding at nagamit naman ang gasolina sa road projects ng lalawigan kayat walang anomalya rito.
By Meann Tanbio | Judith Larino | Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)