Aabot sa 2.4 milyong pisong halaga ng marijuana plants ang sinunog ng anti-narcotics operatives sa Sultan Kudarat.
Naganap ito sa Sitio Alyeng sa Barangay Datalblao na pagmamay-ari umano ng nakatakas na si Leng Labuayan.
Magkatuwang na sinunog ang mga tanim ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng lokal na pulisya.
Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga otoridad upang mahuli ang suspek. —sa panulat ni Abby Malanday