Patay ang barangay kagawad matapos masabat ang mahigit P2-M halaga ng iligal na droga kasunod ng sagupaan sa Lanao del Sur Province.
Kinilala ang suspek na si Abuhanan Sultan, 24-anyos, kagawad ng Barangay Limogao, Bayan ng Saguiran.
Ayon kay Col. Richard Verceles, operations Chief ng Area Police Command Western Mindanao, tinugis ng otoridad ang apat na drug personalities na tumakas sa Lungsod Saguiaran.
Nakatakas ang mga kasamahan ni Sultan na sina Omar Macabago, Nadir at isang Arab nang makitang bumagsak si Sultan sa engkwentro.
Narekober ng Pulisya ang 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P2.4 million, kabilang ang .45 caliber na pistol, anim na empty shells at isang broken glass tooter.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Pulisya upang mahuli ang iba pang suspek. —sa panulat ni Jenn Patrolla