Tinatayang aabot sa dalawa’t kalahating milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo mula sa may isanlibong pamilya.
Ito’y matapos lamunin ng apoy ang aabot sa dalawa hanggang tatlongdaang kabahayan sa block 32 extension, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.
Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall Supt. Christine Cula, nagsimula ang sunog dakong alas kuwatro beinte kahapon ng hapon.
Umakyat ito sa ika-limang alarma dakong alas singko beinte tres subalit naapula naman dakong alas diyes kinse o matapos ang anim na oras.
Lima ang naitalang sugatan sa nangyaring sunog kabilang na ang isang bumbero na kinilalang si Senior Fire Officer 2 Luciano Regis.