Tinatayang dalawa’t kalahating bilyong pisong halaga ng mga pekeng produkto ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Pasay City.
Ikinasa ng BOC ang operasyon sa one logistics center sa Taft Avenue Extension, na malapit lamang sa Baclaran.
Katuwang ang Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines, ininspeksyon ng mga otoridad ang warehouses kung saan nadiskubre ang sangkatutak na counterfeit goods.
Kabilang sa mga nakumpiska ang mga pekeng luxury fashion brands gaya ng Christian Dior, Gucci, Channel, Louis Vuitton at Fendi.
Nahaharap sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines at Customs Modernization and Tariff Act ang mga may-ari ng mga nasabat na pekeng produkto.—sa panulat ni Drew Nacino