Nasabat ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 169 na kahon ng mga sigarilyong ipinuslit mula sa China na nagkakahalagang 2.5 milyong piso.
Ito ay matapos salakayin ang dalawang malaking warehouse sa Binondo, Manila.
Kabilang sa mga nakuha ang 69 na kaha ng Winston at 100 kaha ng Camel, na pag-aari ng isang alyas Jopay Lim.
Kinumpirma ng kinatawan mula sa kumpanya ng sigarilyo na peke ang mga pakete matapos makitang kulang ang manufacturing markings na nakalagay sa mga ito.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)