Nakatanggap ng P2.7 milyong piso na halaga ng donasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula sa Asia Pacific Information and Coordinationg Center for Combatting Drug Crimes.
Ayon kay PDEA Director General Arturo Cacdac, layunin ng donasyon na mapalakas ang kampanya ng rehiyon, laban sa iligal na droga.
Kabilang sa mga gamit na mula sa International Anti – Drug Group ay ang mga surveillance kit, laptops, camera, voice recorder at motorsiklo.
By Katrina Valle | Jonathan Andal