Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P2.7-milyong halaga ng shabu sa Angeles City sa Pampanga.
Sa inilabas na pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Debold Sinas, nahuli ang suspek na si Arnel Gonzales sa kanilang operasyon sa Barangay Pandan sa naturang probinsya.
Kinilala si Gonzales na bahagi sa tala ng mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade sa Mabalacat at sa Angeles City.
Narekober kay Gonzales ang 400-gramo ng ilegal na droga at ilang drug paraphernalia maging ang isang pulang kotse na may plakang TLE-296.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Mabalacat City Police Station si Gonazales at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.