Itinurn-over ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ang Lotto and Small-Town Lottery (STL) share na nagkakahalagang P2,789,002.13 kahapon.
Ito ay personal na tinanggap ni Mandaluyong City Mayor Benjamin S. Abalos.
Kabilang sa dumalo sa pagturn-over sina National Capital Region Department Manager Eufracio Fufugal Jr. at Charity Assistance Department Manager Marissa O. Medran.
Nakatanggap din ang Las Pinas LGU ng Lotto at STL share mula sa ahensya na may halagang P3,230,026.59 nitong Oktubre 4
Ang Quezon City naman ay nakatanggap ng P16,305,343.79 na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte.
Ang mga halagang nabanggit at mula sa kita ng PCSO mula sa lungsod noong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Ito ay alinsunod sa Executive Order no. 357-A, 5% bahagi mula sa 30% Lotto Charity Fund ang dapat ipagkaloob sa mga lokal na pamahalaan kung saan naibenta ang mga tickets. —sa panulat ni Hannah Oledan