Handa na ang halos dalawang bilyong pisong ayuda na inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bagyong Odette.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Engineer Arnel De Mesa, kabilang dito ang isang bilyong piso na gagamitin sa repair at rehabilitation ng mga nasirang pasilidad.
Gayundin aniya ang seed reserve na 150 milyong pisong halaga para sa palay, 50 milyong pisong halaga ng mais at halos 15 milyong pisong halaga ng mga assorted vegetables.
Samantala, sinabi rin ni De Mesa na magkakaloob sila ng sure aid assistance o soft loan na 25,000 pisong para sa naturang indibidwal. —sa panulat ni Airiam Sancho