Tinatayang dalawang (2) bilyong pisong halaga ng mga pekeng kagamitan ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Sta. Cruz, Maynila.
Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na nakumpiska nila ang mga pekeng kagamitan sa tatlong unit sa Huang Lim Hong Lian Building sa Binondo.
Kabilang sa mga nakumpiska ay mga pekeng gadgets, electronics, camera, sabong panlaba, vape juice at sabong pampaputi.
Ang operasyon ay kasunod na rin nang sumbong ng Unilever hinggil sa hindi awtorisadong distribution ng mga produkto nilang pineke pa.
Gayunman, ipinabatid ni Lapeña na hindi nila naabutan ang may-ari ng bodega na sinasabing inuupahan ng isang Brian Lee.
—-