Halos P2 Bilyon pang kita mula sa Casino para sa sports development ang inilipat sa 2 iba pang kilalang personalidad noong 2007 hanggang 2011.
Maliban pa ito P937 billion na kinolekta umano ni dating Philippine National Police Chief, Dir. Gen. Alan purisima.
Sa column ni DWIZ Anchor Jarius Bondoc sa Philippine Star, tinukoy nito ang first cagayan leisure and resort corporation na nagbayad ng kabuuang P1.7 billion monthly payment sa 2 prominenteng tao na kumakatawan sa 5 porsyento ng casino operations.
Base sa sources, ang Philippine Sports Commission sana ang makikinabang sa nasabing halaga lalo’t entitled ito sa 5 percent gross revenue ng pagcor alinsunod sa R.A. 6847.
Sa resulta ng financial report ng Commission on Audit, tumanggap lamang ang PSC ng 5 percent share mula sa 11 in-house casino ng pagcor subalit walang natanggap mula sa 14 na private licensees.
Naniniwala naman ang mga source sa P.S.C. na iniipit ang 5 porsyento ng casino earnings mula sa 14 na private licensees na isa sa dahilan upang maging miserable ang larangan ng sports sa Pilipinas.
By: Drew Nacino