Nasabat ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Tondo, Maynila ang 150,000 piraso ng mga pekeng relo na nagkakahalaga ng P2 bilyong piso.
Sa isinagawang surveillance ng National Bureau of Investigation (NBI) katuwang ang Lee Bumgarner Incorporated, Markspro at iba pang brand holders natukoy na ang bodega na pag-aari ng isang Jones Hernandez Sy at maybahay nitong si Lily Desierto Sy ay pinaglalagakan ng mga pekeng relo.
Kabilang dito ang mga pinekeng brand ng relo tulad ng Omega, Rado, Tag Heuer, Calvin Klein, Apple Watch, Nike, Lacoste, Ice, Adidas, Swatch, G Shock, Seiko, Gucci, Polo, Michael Kors, Tommy Hilfiger, Swiss, Ferrari, Techno Marine, Diesel at Guess.
Nitong Huwebes nag-isyu ng warrant of seizure and detention ang Bureau of Customs.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng NBI na nadadala rin sa Cebu, Davao, Zamboanga at Agusan ang mga nasabing pekeng relo.
By Judith Larino