Nakabinbin na ang paghahain ng ilang mga transport group ng fare hike petition sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay inihiirit ng mga naturang grupo na taasan ng dalawang piso ang minimum na pasahe sa jeep.
Layon itong maihain sa LTFRB bago mag Mayo 26 o araw ng pagdinig sa orihinal nilang petisyon na gawing 14 pesos ang minimum fare sa nasabing transportasyon.
Inaasahan naman ng grupo na mag tuloy-tuloy pa rin ang pagsipa ng presyo ng krudo hanggang buwan Hunyo.