Tiniyak ng LTFRB o Land Transporation Franchising and Regulatory Board na pag-aaralan nilang mabuti ang petisyon ng limang transport groups para gawing sampung piso (P10) ang minimum na pasahe sa jeepney.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Spokesperson at Board Member ng LTFRB, kailangan nilang balansehin ang interes ng mga drivers at operators ng jeepney at ng mahigit sa 3 milyong sumasakay sa jeepney araw-araw sa buong kapuluan.
Hindi rin aniya dapat isantabi na umabot na sa 30 porsyento ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo kumpara noong nakaraang taon.
Sinabi ni Lizada na iimbitahan nila para sa isang public hearing ang lahat ng sektor na apektado ng pagtaas ng pasahe sa jeepney bago ito pag-usapan ng LTFRB Board.
“Lahat ng files ng sectors affected before the board will deliberate because it has a social impact, whatever decision na nilalabas natin has a social impact, it will be affecting, one way pa lang yan 3.2, eh pag-uwi pa nila eh di 6.4, we’re talking of a big number of riding public.” Pahayag ni Lizada
(Ratsada Balita Interview)