Tinatayang P2 milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa mahigit tatlong oras na sunog San Miguel, Manila kaninang madaling araw.
Ayon kay Bureau of Fire Protection – NCR Director Senior Superintendent Roel Jeremy Diaz, nagsimula ang sunog sa isang residential area sa Barangay 645, dakong alas-3:29 kaninang madaling araw.
Ani Diaz, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga kabahayan sa lugar.
Nahirapan din aniyang makapasok ang mga fire truck dahil sa makipot na daan sa naturang lugar.
Dakong alas-7:00 na ng umaga nang maideklarang kontrolado na ang apoy.
Samantala, dalawa katao naman ang napaulat na nasugatan sa insidente.
By Krista de Dios | (Ulat ni Aileen Taliping)