Aabot sa 2 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Fairview, Quezon City, kaninang hapon.
Ayon sa PDEA, 4 suspek ang naaresto sa operasyon sa Regalado Avenue ang umaming courier lamang sila ng sindikato ng droga at kumikita ng 10,000 pesos tuwing may transakyon.
Aminado rin ang mga naaresto na nag o-operate sila sa ilang lalawigan sa Central Luzon bukod sa Metro Manila.
Nahaharap naman ang 4 na suspek sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.
Samantala, nagpapatuloy pa ang follow up operations ng PDEA kaya’t pansamantalang hindi muna isasapubliko ang pangalan ng mga inaresto.