Mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong suspek sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Kalilangan sa Bukidnon.
Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Jabir Dacula Mandok, Jucair Mandok at Sittie Mandok na parehong kasama sa drugs watch-list ng pulisya.
Nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P2.04 million ang nasabat mula sa mga suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.