Nag-alok na ang Cagayan De Oro City Local Government ng P2 million na pabuya sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa ika-aaresto ng pumatay sa anak ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Rolando Uy.
Nobyembre a-onse nang pagbabarilin at mapatay ang mga biktimang sina Roland Sherwin “Tawee” Uy at caretaker nitong si Samuel Pabalan, sa barangay Pagatpat.
Kinondena naman ni Mayor Oscar Moreno ang naganap na krimen kasabay ng pag-apela ng tulong mula sa publiko upang maaresto ang mga nasa likod ng pagpaslang at agarang maibigay ang katarungan sa mga biktima.
Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang gunmen, na nagpanggap na bibili ng buhangin at tumakas sakay ng motorsiklo. —sa panulat ni Drew Nacino