Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik ang two (2) pesos per minute charge na singil sa mga pasahero ng transport network vehicle services (TNVS) kabilang na ang Grab Philippines.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 2018-2019, maaari nang maningil muli ang mga TNVS ng dalawang (2) piso kada minutong travel time o byahe mula sa pinanggalingan nito hanggang sa destinasyon.
Ipinag utos naman ng LTFRB sa mga TNVS na mag-isyu ng resibo sa kanilang mga pasahero kung saan nakasaad ang breakdown ng pamasahe, kabilang na ang flag down rate, per kilometer rate, travel time rate at surge price.
Magugunitang ipinatigil ng LTFRB ang paniningil ng Grab ng travel time charge dahil hindi anila ito aprubado ng board at ipinag utos pang ibalik sa mga pasahero ang naturang sobrang pasahe.