Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax collection target na mahigit dalawang trilyong piso nang dalawang beses, sa kabila ng nakalulumpong epekto ng COVID-19 pandemic.
Umabot sa mahigit 2 point 1 trillion pesos ang nakolektang buwis ng BIR noong 2019 at mahigit 2 trillion pesos noong isang taon.
Ayon kay BIR Commissioner Ceasar Dulay, nakamit ang record-breaking collection dahil sa digitalized system ng ahensya, na sinimulang ipatupad bago mag-pandemya.
Labing-apat na proyekto ang inilatag ng BIR para sa digital transformation nito, tulad ng electronic payments at electronic filling.
Sa datos ng ahensya, 84% ng koleksyon noong 2021 ay idinaan sa pamamagitan ng electronic payment channels na aabot sa 1.75 trillion pesos.