Aabot sa P20 bilyon na pondo sa 2022 proposed P5 trilyon national budget ang ini-realign ng kamara para sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines at boosters.
Magugunitang hindi gaanong malinaw ang budget para sa pagbili ng bakuna sa orihinal na proposed budget na inilatag ng executive department kung saan aabot sa P45 bilyon ang inilaan para sa booster shots sa unprogrammed funds.
Maaari lamang magamit ang unprogrammed funds kung mayroong surplus sa government revenues o kung may kinita mula sa foreign loans.
Ini-realign din ng house appropriations committee ang P5 bilyon para sa medical assistance sa mga indigent patient at P4.5 bilyon para naman sa special risk allowance ng mga healthcare worker.
Nagsingit din ng dagdag P10 bilyon sa Department Of Labor and Employment para sa emergency employment program nito;
P10 bilyon sa Department of Social Welfare and Development para sa assistance sa individuals in crisis situations at P1 bilyon para sa sustainable livelihood program.—sa panulat ni Drew Nacino