Nais na paimbestigahan ni Senador Sonny Angara ang pag i– stock ng Department of Health (DOH) ng halos dalawampung bilyong pisong halaga ng gamot.
Ayon kay Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, parang nagiging katulad ng dengue problem ang pagsasayang ng DOH ng malaking halaga ng salapi sa medisina dahil tulad ng dengue na nagiging taon taong isyu ng DOH.
Kaugnay nito, pinaghahanda ni Angara ang mga opisyal ng DOH na ihanda na ang mga ipi-prisintang plano kung paano lulutasin ang pag-overstock ng gamot na inaabot na ng expiration.
Sa annual audit ng DOH, nakasaad na mahigit labing walong bilyong piso na halaga ng medisina ang naka-stock lamang sa warehouse ng DOH kung saan karamihan sa mga ito ay malapit na sa expiration date.