Pinaplantsa na ng gobyerno ang ilalargang dalawampung (20) bilyong pisong master plan para sa muling pagbangon sa Marawi City.
Ayon kay DPWH o Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, nais ng Pangulo na agad na ipatupad ang rehabilitation plan sa syudad sa oras na matapos na ang bakbakan ng sudnalo at Maute group.
Aniya, mahigpit ang naging bilin ng Pangulo na hindi na dapat maulit sa Marawi ang naging kamalian at kabagalan sa pagtatayo ng pasilidad sa Eastern Visayas matapos itong tamaan ng bagyong Yolanda.
Kaugnay nito, layon ng DPWH na mapasok ang syudad upang magkaroon ng assessment sa danyos ng imprastraktura sa buong syudad.
Sinabi pa ni Villar na prayoridad ngayon ay ang paglalagay ng mga evacuation facilities para tumugon sa mga pangangailangan ng mga bakwit.
By Rianne Briones
P20-B master plan para sa Marawi rehabilitation pinaplantsa na was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882