Iginiit ni Dating Congressman at Bayan Muna Chairman Atty. Neri Colmenares, na hindi transparent ang kabuuang proseso sa Corporate Income Tax ng mga Water Concessionaires.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Colmenares, na walang malinaw na paliwanag ang Manila Water at Maynilad Water services kaugnay sa kanilang inilalabas na water bill.
Sinabi ng Dating Kongresista, na taong 2022 pa nang magsimula sa corporate income tax ang dalawang water concessionaires kung saan, posibleng dalawampung bilyong piso na ang kanilang nakolekta.
Binigyang diin ni Atty. Colmenares, dapat ilibre ng mahigit tatlong buwan ang mga households sa metro manila.
Ayon pa sa dating mambabatas, na bilyun-bilyon ang kinikita ng mga water concessionaires taun-taon, kaya maliit lang sakanila kung ililibre ang mga consumer.