Pinatutukoy ng Malakaniyang kay Senador Panfilo Lacson ang anito’y 20 bilyong pisong kuwestyunableng project na nakapaloob sa 2020 national budget.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay dahil tiyak na tatapyasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestyunableng proyekto lalo na kung pasok bilang pork barrel funds.
Magugunitang sa 2019 national budget, aabot sa halos 100 billion pesos ang tinapyas ni Pangulong Duterte dahil sa mga kuwestyunableng proyekto na isiningit sa pondo ng DPWH.
Una namang iginiit ni Lacson na hindi niya palulusutin ang nakatagong pork sa panukalang budget.