Nakatakdang ipamahagi ng Department of Education ang P20,000 Service Recognition Incentive para sa mga teaching at non-teaching personnel simula sa Biyernes, Disyembre a-25.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nagkaisa sina Education Secretary Sonny Angara at Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman upang maisakatuparan ang 20,000 pesos SRI para sa taong 2024.
Matapos na maglabas ng administrative order no. 27 mula sa Office of the President, sinimulan na ng DEPED ang pagproseso ng mga kinakailangang dokumento para sa pagbibigay ng SRI 2024.
Laking pasasalamat naman ni education Secretary Sonny Angara kay Pangulong Marcos Jr. at Budget Secretary Pangandaman para sa pagtiyak na maibigay ang buong SRI sa mga guro at non-teaching personnel bilang pagkilala sa kanilang walang sawang dedikasyon sa basic education.