Tinatayang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng dalawampung (20) milyong piso ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang apartment na katabi lamang ng Malakanyang.
Ipinabatid ni PDEA Director General Aaron Aquino na pag – aari ng tatlumpu’t pitong (37) taong gulang na si Dianne, na anak nang tinaguriang “drug queen” Yu Yuk Lai, ang sinalakay na kuwarto.
Sinasabing legal ang negosyo ni Dianne na pagsu – supply ng bigas sa Correctional na una nang sinalakay ng mga otoridad at nakakumpiska ng illegal drugs.
Itinuro umano ni Lai ang anak na si Dianne na nagsu – supply din ng droga sa correctional kaya’t nagsagawa ng raid ang mga otoridad.
Si Lai ay nakakulong sa correctional institute for women sa Mandaluyong City sa kasong droga.
1/2#TINGNAN PDEA nasabat ang mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5-M kay “drug queen” Yuk Lai Yu kaninang umaga; pic.twitter.com/Q28alEmTKY
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 6, 2017
2/2
Anak ng naturang drug queen arestado sa kahiwalay na operasyon. | via PDEA-PIO pic.twitter.com/8LuJGwnq2d— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 6, 2017