Natutuwa ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa hakbangin ng COMELEC para madagdagan ang honoraria ng mga nagsilbi nitong nakalipas na eleksyon.
Sinabi ng ACT na makatuwiran ang pahayag ng COMELEC na target nitong maglabas ng 20 million pesos para sa dagdag honoraria ng mga guro kapalit na rin anito ng hindi matawaran pagod nila nitong halalan.
Positibo naman ang Teachers Dignity Coalition (TDC) na hindi na paghihintayin ng COMELEC ang mga guro at kaagad nang ibibigay ang nasabing dagdag benepisyo.