Umabot sa 20 milyong piso ang ibinigay na pinansiyal na tulong ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa para sa mga LGUs na naapektuhan ng bagyong Odette.
Nagmula ang pondo sa Quick Response Fund ng Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) ng Muntinlupa City.
Ang mga lugar na makakatanggap ng tig-500,000 pesos na tulong ay ang munisipalidad ng; Argao, Dalaguete, Dumanjug Tuburan sa Cebu; City government ng Bais, Negros Oriental; City government ng kabankalan, negros occidental; municipality ng Manjuyod, Negros Oriental; municipality ng Ilog, Negros Occidental; City government ng Himamaylan, Negros Occidental; at Municipality ng Socorro, Surigao Del Norte.
Samantala, 1 milyong piso kada isa ang matatanggap ng provincial government ng Dinagat Islands at Siargao sa Surigao Del Norte.
Hanggang nitong december 31 umabot na sa 405 ang mga nasawi sa bansa dahil sa bagyong Odette kung saan 1,147 ang sugatan at 82 ang nawawala batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). —sa panulat ni Abby Malanday