Aabot sa P20-M na halaga ng mga puslit na sibuyas na mula China ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal (MCT) Port sa Misamis Oriental.
Ang dalawang container na naglalaman ng 50 toneladang sibuyas na idineklarang tinapay at iba’t ibang klase ng pastries mula China ay dumating sa Cagayan De Oro City noong December 6.
Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nakatanggap sila ng intelligence information hinggil sa mga container na daraan sa MCT Port na naglalaman ng mga smuggled na sibuyas.
Dahil dito, agad anyang nag-isyu ng pre-lodgement control order si Port of Cagayan De Oro District Collector Alexandra Lumontad laban sa nasabing kargamento.
Iginiit naman ni Ruiz na hangga’t nahuhumaling ang ilang negosyante na mag-smuggle ng mga producto, partikular ng pagkain.
Gayunman, hindi anya nila ito hahayaang mangyari dahil taumbayan ang labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.