Isinara na ni incoming Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pangako ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na ibaba sa 20 pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Inamin ni Estrella na nakausap na niya ang ilang kapwa magsasaka at inihayag ng mga ito na hindi kakayaning maibaba sa 10 piso ang kada kilo ng farm gate price.
Hanggang 14 pesos anya ang kayang presyo sa farm gate at pagdating sa miller hanggang sa retailers ay maaaring umabot sa 28 pesos ang kada kilo ng bigas.
Nilinaw ng incoming Secretary ng Department of Agrarian Reform (DAR) na kakayanin naman sa mga susunod na panahon na ibaba ang presyo kung magiging mas moderno ang farming technology sa bansa.
Una nang sinabi ni outgoing DAR acting Secretary Bernie Cruz na sa 2nd quarter ng 2023 maibababa ang presyo sa pamamagitan ng mega-farms.
Samantala, inihayag ni Estrella na isa sa kanyang ipa-prayoridad ang imbestigasyon sa pag-aresto sa Tinang 91 o grupo ng mga magsasaka, land reform advocates, media at estudyante sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac.
Kung patatagalin anya ito ay maaaring magresulta sa karahasan na posibleng hindi ma-control.