Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na posible namang maibaba sa 20 hanggang 30 pesos kada kilo ang presyo ng bigas.
Ngunit iginiit ni DTI undersecretary Ruth Castelo na kailangan pa itong pag-aralang mabuti.
Batay sa datos ng Department of Agriculture as of April 13, 2022 ay naglalaro sa 38 hanggang 50 pesos ang presyo ng kada kilo ng commercial rice sa metro manila habang 37 hanggang 52 pesos naman sa imported commercial rice, depende sa klase ng bigas.
Samantala, mababatid na ang bawas-presyo sa bigas ay campaign promise ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.