Saan aabot ang P20 mo?
Ayon sa pangako ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., maaari kang makabili ng isang kilong bigas sa halagang ito.
Sa pangakong P20 na bigas, maraming umasa at maraming nagduda.
Posible nga bang maging P20 ang presyo ng bigas in the near future?
Tara, suriin natin yan.
Maaalala natin noong 2022 elections, nangako ang noong Presidential Candidate na si Bongbong Marcos na pabababain niya ang presyo ng bigas mula 20 to 30 pesos per kilogram.
Imposible ito para sa karamihan, pero ayon sa pangulo, kaya niya itong gawing reality.
A year later, 2023. Maraming isyu sa bigas ang bansa gaya ng export ban sa India, El Niño, natural calamities, smuggling, at hoarding. Agad naman itong inaksyunan ng gobyerno kung saan nilagdaan ang Executive Order no. 39 na nagdikta ng price ceiling para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng bigas.
Sa kabila ng mga isyung ito, confident pa rin ang pangulo na kayang-kaya pa rin maipatupad ang campaign promise niyang P20 per kilong bigas.
Paano nga ba ito magiging posible?
Ayon sa pahayag ni Pangulong Marcos noong September 19, 2023, “May Chance Lagi” ang pagkakaroon ng P20 per kilong bigas sa oras na maging stable na ang agriculture sector at production sa bansa.
Kung mapaayos ang produksyon, hindi na masyadong bagyuhin ang bansa, at gamitin ng mga magsasaka ang mga tulong na ibinigay sa kanila, malaki ang chance na bumaba ang presyo ng bigas hanggang sa p20.
Maraming factors sa loob at labas ng bansa na direktang nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin, partikular na ng bigas.
Dahil dito, kinailangang mag-adjust ng gobyerno at merkado. Pero kapag maging normal na ang lahat, siniguro naman ng pangulo na madali na lang para sa gobyerno na gumawa ng aksyon para mapababa lalo ang presyo ng mga bilihin.
Ngayong marami pang isyu sa bigas, hindi pa agad agad bababa sa bente pesos ang presyo nito, pero hindi ibig sabihin na imposible itong mangyari. Makikita naman na ginagawa ng pangulo ang lahat para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas.
Bukod sa price cap, September 18, 2023 inaprubahan ni Pangulong Marcos ang bagong price range sa bentahan ng palay: P16 to P19 para sa wet palay at P19 to P23 naman para sa dry palay. Ipinamahagi rin niya sa mga mahihirap ang mga nasabat na smuggled rice na ikinatuwa ng grupong bantay bigas.
Sa mga aksyon ng administrasyong marcos para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas, naniniwala ka bang bababa sa P20 per kilo ang presyo nito?