Maghahain ng karagdagang 20 pesos provisional fare increase sa pamasahe ang Philippine National Taxi Operators Association para masolusyonan ang patuloy na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Philippine National Taxi Operators Association President Atty. Bong Suntay, na sa ngayon, ang flag down rate sa pamahasahe ng mga taxi ay 40 pesos kasama na dito ang suceeding meter pero kung maaaprubahan ang kanilang hiling ay malaki ang maitutulong nito para sa mga driver at operators.
Ayon kay Suntay, hindi magiging mabigat at mas mainam ito para sa mga taxi drivers dahil sa liit na ng kanilang kinikita sa pamamasada.
Nabatid na nasa 400 hanggang 500 piso na lang ang kanilang naiuuwi o kinikita bunsod ng COVID-19 pandemic, walang puknat na pagtaas ng presyo ng langis at patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sinabi ni Suntay na sa susunod na linggo ay kanila nang ihahain ang kanilang hiling hinggil sa taas pasahe sa mga taxi.