Inihayag ng isang senador na hindi pa posible sa ngayon ang P20 sa kada kilo ng bigas.
Ito ang inihayag ni Senator Cynthia Villar, na ang presyo ng palay ay nasa P11.50 kada kilo na dodoble sa P30 kada kilo kapag natapos na itong gilingin.
Ipinaliwanag ni Villar na ang presyo ng giniling na bigas ay tumataas dahil sa gastos sa transportasyon, kita ng mga magsasaka, at kita ng rice traders kung ikukumpara ito sa ibang bansa gaya ng Vietnam, na nasa P6.00 lamang ang presyo sa kada isang kilo ng palay.
Samantala, umapela naman sa gobyerno ang senadora na turuan ang mga magsasaka kung paano gumawa ng sarili nilang fertilizer slots at bigyan sila ng composting machine upang mabawasan ang halaga ng mga produktong pang-agrikultura dahil sa mamahaling pataba na isa rin sa mga problema ng bawat magsasaka.
Matatandaan na noong may 2022 national elections, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na nais niyang ibaba sa P20 ang kilo ng bigas.