Binatikos ng grupong progresibong grupong bagong alyansang makabayan o bayan ang desisyon ng gobyerno bigyan na lamang ng dalawang-daang pisong buwanang ayuda ang mga mahihirap imbes na suspindihin ang excise tax.
Sa harap na rin ito ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo sa bansa.
Ayon kay Renato Reyes, secretary-general ng grupong bayan, masyadong maliit ang ayuda at hindi sapat kada buwan.
Tila rin aniya walang alam si Pangulong Rodrigo Duterte at mga economic managers nito sa pinagdadaanan ng mga mahihirap.
Maliban kay Reyes, ilang senador at mambabatas na rin ang unang bumatikos sa ayuda. – sa panulat ni Abby Malanday